BULANGLANG AT BREADED GALUNGGONG RECIPE
AJI-NO-MOTO® UMAMI SEASONING
Recipe Finder
Ingredients
BULANGLANG
4 tasa (1 liter) Hugas – bigas
8 butil (18g) Bawang, pinitpit
1 maliit (24g) Luya, pinitpit
3 piraso (150g) Kamatis, hiniwa ng maliit
2 piraso (50g) Tinapa, hinimay
5 kutsara (75ml) Patis
1 pakete (12g) AJI-NO-MOTO® Umami Seasoning
1 tali (200g) Sitaw, hiniwa ng maliliit
1 tali (200g) Okra, hiniwa ng maliit
1 tali (140g) Dahon ng Alugbati
8 tangkay (50g) Malunggay
BREADED GALUNGGONG
6 piraso (500g) Galunggong
1/2 pakete (33.50g) TASTY BOY® Breading Mix (Regular)
1/2 tasa (125ml) Mantika
NUTRITION INFORMATION
Nutrition Facts | |
---|---|
Energy (kcal) per Serving | 429 |
Carbohydrates (g) | 69.1 |
Proteins (g) | 12.1 |
Fat (g) | 11.5 |
Phosphorus (mg) | 172 |
Calcium m(g) | 226 |
Iron (mg) | 6.3 |
Vitamin A (ug RE) | 377 |
Thiamin (mg) | 0.19 |
Riboflavin (mg) | 0.27 |
Niacin (mg NE) | 6 |
Vitamin C (mg) | 140 |
Procedure
BULANGLANG
- Sa isang kaldero paghaluin ang hugas – bigas, bawang, luya, kamatis at tinapa. Pakuluin hanggang lumambot ang kamatis.
- Timplahan ang sabaw ng patis at AJI-NO-MOTO®.
- Ilagay ang sitaw at okra. Pakuluin at hayaang maluto. Idagdag ang alugbati at malunggay. Hayaan maluto sa loob ng isang minuto .
- Ihain habang mainit kasabay ang Breaded Galunggong.
BREADED GALUNGGONG
- Paghaluin ang galunggong sa TASTY BOY® (Regular).
- Iprito sa mantika. Isantabi.
Meal Serving Idea: 1 tasa ng kanin, 1 tasa ng Bulanglang
1 piraso ng Breaded Galunggong at 1 slice ng Papaya
Cooking Notes
Maari rin gumamit ng kalabasa , bulaklak ng kalabasa, paayap, gabi o kahit anong gulay na inyong nais para sa Bulanglang.