MACARONI SOUP (CHICKEN SOPAS) RECIPE
CHICKENSAVOR™ ALL-IN-ONE SEASONING MIX
Recipe Finder
Ingredients
1 kutsara (15 mL) Mantika
2 kutsarita (8 grams) Bawang, pino
4 kutsarita (13 grams) Sibuyas, sliced
1/4 tasa (80 grams) Manok, shredded
1/2 tasa(68 grams) Carrots, cubed
4 tasa (1000 mL) Tubig
1 tasa (110 grams) Elbow Macaroni
1 kutsara (5 grams) Margarine
1/4 tasa (60 mL) Evaporated Milk
1/2 tasa (25.50 grams) Repolyo, shredded
2 pakete (16 grams) Chickensavor® All-in-One Seasoning Mix
1/8 kutsarita (0.63 grams) Paminta
Preparation
Meal Serving Idea: 1/2 tasa ng sopas, 2 piraso ng sliced bread at 1 piraso ng melon
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang mainit na kaldero, mag-gisa ng sibuyas at bawang. Idagdag ang manok at lutuin ito hanggang maging light brown. Idagdag ang carrots and hayaang maluto sa loob ng 30 segundo.
2. Idagdag ang margarine at elbow macaroni. Lutuin ang macaroni ng ayon sa panuto sa lalagyan. Hayaan itong kumulo. Idagdag ang gatas.
3. Timplahan ng Chickensavor® All-in-One Seasoning Mix at paminta. Haluin mabuti at idagdag ang repolyo. Ihain habang mainit.
Cooking Tips!
Sa pagluluto ng elbow macaroni, lutuin lamang ito hanggang maging “al dente”, hindi labsak, para masarap kainin. Kapag malapit na itong maluto, alisin ang apoy at hayaang ang init ng sabaw ang magpauloy ng pagluluto nito.
NUTRITION INFORMATION
Nutrition Facts | |
---|---|
Energy (kcal) per Serving | 260 |
Carbohydrates (g) | 9.1 |
Proteins (g) | 4.9 |
Fat (g) | 44.6 |
Phosphorus (mg) | 96 |
Calcium m(g) | 130 |
Iron (mg) | 3.2 |
Vitamin A (ug RE) | 562 |
Thiamin (mg) | 0.29 |
Riboflavin (mg) | 0.17 |
Niacin (mg NE) | 5.8 |
Vitamin C (mg) | 70 |