SWEET AND SOUR GALUNGGONG RECIPE
SARSAYA® SWEET AND SOUR SAUCE
Recipe Finder
Ingredients
6 piraso (450 grams) Galunggong
1/2 tasa (125 mL) Mantika
1 pakete (200 grams) Sarsaya® Sweet & Sour Sauce
1/2 tasa (50 grams) Bellpepper, green
2 tasa (250 grams) Carrot
1 kutsara (15 mL) Toyo
1 cup (250 mL) Tubig
1 tablespoon (9 grams) Cornstarch
pinch Asin
pinch Pamintang durog
1 pakete (7 grams) Aji-ginisa® Flavor Seasoning mix
Preparation
Sapat para sa 3-4 na tao (Matanda, Babae, edad 19-59 gulang)
Size per serving: 2 piraso ng Galunggong (35 grams kada isang piraso) o 1 piraso (70 grams)
Meal Serving Idea: 1 tasa ng kanin, 1 piraso ng Galunggong (70 grams) at 1 pisngi ng Mangga
Paraan ng Pagluluto:
1. Mag-prito ng galunggong sa kawali na may mainit na mantika. Isantabi.
2. Sa isang tasa, paghaluin ang tubig at cornstarch. Isantabi.
3. Sa parehas na kawali na pinag-prituhan, mag-gisa ng bellpepper at carrots. Ihalo ang toyo, Sarsaya® Sweet & Sour at tubig na may cornstarch.
4. Timplahan ang sauce ng asin, paminta at Aji-ginisa® Flavor Seasoning mix. Hayaan itong kumulo hanggang lumapot ng ayon sa iyong nais.
5. Paghaluin ang ginawang sauce at isda. Ihain sa pamilya.
Cooking Notes
Ihalo muna ang cornstarch sa tubig bago ito ilagay sa sarsa upang maiwasan ang pamumuo nito habang niluluto.
NUTRITION INFORMATION
Nutrition Facts | |
---|---|
Energy (kcal) per Serving | 461 |
Proteins (g) | 19.3 |
Fat (g) | 12.1 |
Carbohydrates (g) | 68.7 |
Calcium (mg) | 121 |
Phosphorus (mg) | 248 |
Iron (mg) | 3.9 |
Vitamin A (ug RE) | 1276 |
Thiamin (mg) | 9.23 |
Riboflavin (mg) | 0.23 |
Niacin (mg NE) | 10.6 |
Vitamin C (mg) | 47 |