TORTANG TALONG RECIPE RATINGS: 5/5 (1)

AJINOMOTO® BRAND GINISA FLAVOR SEASONING MIX

Recipe Finder

Ingredients

10 kutsarita (50 ml) Mantika
5 piraso ( 400 grams) Talong
5 piraso Itlog
1 pakete (7 grams) Aji-Ginisa® Flavor Seasoning mix 
to taste  Paminta, durog

Preparation

Sapat para sa 4-5 tao (Matanda, Babae, edad 19-59 gulang)
Serving Size: 1 1/4 piraso (90 grams)

Meal Serving Idea: 1 tasa ng kanin, 1 pirasong Talong (90 grams) at 1 Pirasong Mansanas

Paraan ng Pagluluto:
1. Ihawin ang talong sa ibabaw ng nagbabagang uling hanggang masunog ang balat nito. Alisin sa baga at dahan-dahang balatan ito. Isantabi.
2. Sa isang mangkok, batihin ang mga itlog.
3. Timplahan ang binating itlog ng paminta at Aji-Ginisa® Flavor Seasoning mix
4. Ilagay ang talong sa binating itlog at hayaan itong mabalot ng itlog. Banayad na pisain ang talong gamit ang tinidor upang maging patag ito.
5. Sa isang mainit na kawali, maglagay ng sapat na dami ng mantika at isa-isang i-prito ang talong.    

Cooking Notes

Upang mas madaling maluto ang loob ng talong, maaring tusuk-tusukin ng tinidor ang talong bago ito ihawin.

NUTRITION INFORMATION

Nutrition Facts
Energy (kcal) per Serving 412
Proteins (g) 6.6
Fat (g) 14.6
Carbohydrates (g) 63.5
Calcium (mg) 66
Phosphorus (mg) 116
Iron (mg) 2.1
Vitamin A (ug RE) 60
Thiamin (mg) 0.15
Riboflavin (mg) 0.14
Niacin (mg NE) 2.9
Vitamin C (mg) 5

Product Used

Please rate this