TOKWA SISIG RECIPE
PORKSAVOR® ALL-IN-ONE SEASONING MIX
Recipe Finder
Ingredients
2 kutsara (30 ml) Mantika
6 piraso (360 grams) Tokwa, cubed
1 kutsara (12 grams) Luya, pino
1/4 tasa (35 grams) Sibuyas, pino
1 kutsara (12 grams) Bawang, pino
1 lata (85 grams) Liverspread
2 kutsarita (12 grams) Asukal, pula
1 pakete (8 grams) PorkSavor® All-in-One Seasoning mix
1 piraso (10 grams) Siling haba, sliced (Optional)
Preparation
Sapat para sa 3-4 na tao (Matanda, Babae, edad 19-59 gulang)
Serving size: 2 pirasong tokwa (120 grams)
Meal Serving Idea: 1 tasa ng kanin, 1 tasa ng Tokwa Sisig, 1 tasa ng ginisang Gulay at 1 piraso ng saging
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang mainit na kawali, maglagay ng sapat na mantika upang makapag-prito ng tokwa. Magprito ng tokwa hanggang maging golden brown. Alisin ang sobrang mantika sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tokwa sa strainer or sa plato na may table napkin. Isantabi.
2. Sa parehong kawali, maglagay ng sapat na dami ng mantika upang mag-gisa ng luya, sibuyas, at bawang. Ihalo ang tokwa at liverspread. Haluing mabuti.
3. Timplahan ng asukal at PorkSavor®All-in-One Seasoning mix. Lagyan ng siling haba ng ayon sa iyong nais.
Cooking Notes
Maaring gumamit ng atay ng baboy bilang alternatibo sa liverspread.
NUTRITION INFORMATION
Nutrition Facts | |
---|---|
Energy (kcal) per Serving | 741 |
Proteins (g) | 26.1 |
Fat (g) | 35.2 |
Carbohydrates (g) | 79.7 |
Calcium (mg) | 282 |
Phosphorus (mg) | 302 |
Iron (mg) | 5.2 |
Vitamin A (ug RE) | 2517 |
Thiamin (mg) | 0.2 |
Riboflavin (mg) | 0.3 |
Niacin (mg NE) | 7.9 |
Vitamin C (mg) | 60 |